Red Scare

NI MARK ANGELES*
Inilathala ng Bulatlat

Ligwak ng ilaw
ang natatanaw,
nangingibabaw.

Dahil kinubkob
ang siyang ubod
na sumasabog.

Sikil ang siklab,
animo fuzed quartz
sa halogen lamp.

Ano kung pula
ang mga mata
ng Bayan Muna?

Pula ang dugo
na sumisikdo
sa pagpintuho.

Inilathala ng Bulatlat

*Si Mark Angeles, dating vice president for Luzon ng College Editors Guild of the Philippines, ay naging Fellow sa Tula ng magkasunod na IYAS at Iligan National Writers Workshops nitong 2006. Siya ay miyembro ng Kilometer 64, isang samahan ng mga progresibong makata.

Share This Post