a
Isang Paalaala sa Ating Lahat Hinggil sa mga Ganitong Panahon
Published on Mar 8, 2008
Last Updated on Feb 4, 2011 at 9:50 pm

ADVERTISEMENT

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 6, March 9-15, 2008

Mabuti pa raw ang kubong ang nakatira ay tao
Kaysa roon sa palasyong nakatira ay kuwago.
Ngayon, tayong taong laging nangahuhukot sa kubo
Ay nagtataboy ng k’wago mula roon sa palasyo.

Ngunit, hangga’t sa ‘ting bayan ay isang kaugalian
Ang pag-ayaw na lumingon sa ating pinanggalingan,
Tuluy-tuloy lamang tayong wala ring paroroonan —
Humakbang ma’y di aalis sa ating pinagsimulan.

Hangga’t tayong mga tao ay hindi nangatututo,
Itong ating mga buhay ay hindi rin magbabago:
Tayong tao’y lagi’t laging mangahuhukot sa kubo
At parati nang kuwago’ng malalagay sa palasyo.

(Bulatlat.com)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This