Patay-Gutom

Ni PAPA OSMUBAL
Inilathala ng Bulatlat

Mangiyak-ngiyak na itinirik ang mga kandila
na inutang lang sa kapitbahay na nagpapa-5-6

Pinabasbas pa ang mga ito
sa pari na kasinglusog ng elepante
na kanang-kamay daw ng Obispo

Taimtim na dalangin niya ang magkahanapbuhay
o kaya man lamang ang manalo sa Lotto o Huweteng
nang magkabigas ang nangingitim na kaldero
at magkamantika ang inaamag na kawali

Malakas pa ang angil ng maasim na kulo ng sikmura
kesa litanya ng Ave Maria at Ama Namin

Kung maaari nga lamang
mukhang ibig humalakhak at pumalakpak
ng mga imaheng kahoy na nakasabit sa dingding
na gawa sa pinagtagpi-tagping karatula
na nakalap at tinipon noong nakaraang halalan

(Inilathala ng Bulatlat)

Share This Post

3 Comments - Write a Comment

  1. Ang taong patay gutom ay yung mga GANID!

  2. Sino ba talaga?

    Patay-gutom?

    Sila ba yung mga taong salat sa lahat..

    O mga taong ganid na naghahangad..

    Pili..sino sa kanila?

  3. Kung maaari nga lamang

    mukhang ibig humalakhak at pumalakpak

    ng mga imaheng kahoy na nakasabit sa dingding

    na gawa sa pinagtagpi-tagping karatula

    na nakalap at tinipon noong nakaraang halalan'

    gusto ko to!

Comments are closed.