a
Ang Mabubuting Anak ng Bayan
Published on Mar 4, 2010
Last Updated on Mar 6, 2010 at 10:07 am

ADVERTISEMENT

(Kay Jane Beltran Balleta + Morong 42)
ni ROBERTO OFANDA UMIL
 
Ang mabubuting anak ng bayan
Ay mayroon ding mga kapintasan.
 
May pagkakataon na sila ay suwail na kaanak.
Pero hindi lamang brilyo ng hiyas
Ang layon ng tahas na pagsuway.
 
May pagkakataon na sila ay sutil na estudyante.
Pero hindi lamang kitid ng bakuran ng kampus
Ang layon ng bibo na urirat.
 
May pagkakataon na sila ay abalang asawa.
Pero hindi lamang tahanan ng kasal na pangalan
Ang layon ng mabungang panahon.
 
May pagkakataon na sila ay di kapiling na magulang.
Pero hindi lamang talaytay ng sariling dugo
Ang layon ng normal na sirkulasyon.
 
May pagkakataon na sila ay di bihis-propesyonal.
Pero hindi lamang pakitang-tao
Ang layon ng kababaang-loob.



May pagkakataon na sila ay kawani ng gobyerno.
Pero hindi lamang sangkalan ng pagmamalinís
Ang layon ng pagtadtad sa kurakot.
 
May pagkakataon na sila ay alumni ng PMA.
Pero hindi lamang estrelya sa balikat
Ang layon ng pagsanib sa NPA.
 
May pagkakataon na sila ay lukob ng poot.
Pero hindi lamang pagtuwid sa paghihiganti
Ang layon ng unawa ng prinsipyo.
 
May pagkakataon na sila ay hindi relihiyoso.
Pero hindi lamang taimtim na makatao
Ang layon ng ultimong sakripisyo.
 
Galing sa ibaibang pangalan, katayuan
Sa buhay, paniniwala, partido, bansa;
At dahil nga hindi mga perpektong tao
 
Ang mabubuting anak ng daigdig,
Matutunton mo ang kanilang mga bakas
Na nagtitipon sa lilim na may budbod
 
Ng ginintuang bulaklak ng Nara. 

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

2 Comments

  1. jacko

    ang pangit ng kuwento inantok lang ako

    Reply
  2. Arissa

    I love the strong ending!

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This