Sa Utak ang Tama

Malala ang sakit ng mga burgis.
Hindi
Hindi ito galing sa kagat ng lamok
O dulot ng kakulangan ng sustansya.
Que horror!
Bawal sa mayaman ang kulang ang makain
O maruming kapaligiran.
Pero maraming sakit ang nakukuha sa rangya
Kadalasan ay sa utak ang tama.
Halimbawa
Nakakabaliw ang tumae sa porselana
At magpunas ng puwit gamit ang malambot na tisyu–
Tisyung galing sa halaga ng sobrang paggawa
Ng manggagawang iskwater
O mula sa hinoldap na buwis
Ng magsasakang alipin.
Bawat hagod para tanggalin ang mabango nilang tae
Mula sa makinis na butas ng kanilang pwet
Isip nila’y iba sila sa hampas lupa
At angat sa magbubukid na walang lupa.
Tubig o dyaryo lamang ang kanila.
Kung kaya naman,
Que se joda
Imasaker ang magsasaka
O idemolis ang maralita
Hindi naman sila taong tulad nila.

-8:41 n.g
26 Setyembre 2010
Lungsod Quezon

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. Salamat sa tula. Ewan ko ba. Naranasan ko na ang buhay ng mayaman at mahirap. Mas "in the moment ako kapag tubig ang gamit pagkaetsas." Kasi ang gaspang ng mga toilet paper, pero ang lamig ng tubig. Isipin na lang natin, wala naman toilet paper nung panahon ni Jesus at ni Buddha, di ba?

Comments are closed.