a
Limang Tanagang Pastoral

BULATLAT FILE PHOTO. In San Jose Del Monte Bulacan, hectares of land will be developed by private companies for the MRT 7 project. Contrary to the exemption order released by Department of Agrarian Reform, an International Fact Finding Mission proved that the lands cultivated by farmers are agricultural and bountiful lands. (Photo by A. Umil/ Bulatlat.com)

Published on Jan 26, 2021
Last Updated on Jan 26, 2021 at 2:28 pm

ni RONALD TUMBAGA

Minamahal ang puno
Kasaysayan may turo,
Himagsikang binuo
May kapilas na puso.

* * *

May ilalim ng balag
Na manipis ang sinag.
Magsasaka, ilatag
Ang araw na di hungkag.

* * *

Mayro’ng talbos at mangga
Inirog na ni Pangga,
Anong panuklas pa ba?
Mundong gutom at nganga.

* * *

Mga daho’y paglaban
At kahit pa ubusan
Hindi ka matalusan
Muling mabubuhayan.

* * *

Pagkatapos ng unos
Ibubuhos ang tuos,
Malulubos ang kapos
Lalagasin ang lubos.

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Ads

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This