Para kay #KerimaLorenaTariman: Makata at mandirigma

Alam ni Kerima Lorena Tariman ang bisa ng mga salita upang makapukaw ng damdamin, magpalawak ng kaisipan at makapagpakilos ng mamamayan tungo sa pagbabagong panlipunan.

Ang koleksyong ito ay mga tulang naisulat ng kanyang mga kapamilya, mga kaibigan at mga nakasama at mga tulang isinulat mismo ni Kerima Lorena Tariman.

Ang “Batingaw” at “29th of May” ay mga tulang binigkas ng kanyang mga magulang na si Merlita Lorena Tariman at Pablo Tariman sa isang parangal para kay Kerima nitong Agosto 28, 2021 sa Bantayog ng mga Bayani.

Ang tulang “Para kay K” ay sinulat ni Jose Sandoval at binigkas ni Edwin Quinsayas. Ang “Alay kay K” at “Kahit si Neruda ay Di Tumula Nang Gaya Mo” ay isinulat at binigkas ng mga nakasama ni Kerima sa CEGP-Karatula staffhouse sa mga taong 2000-2001 na sina Terence Krishna V. Lopez at Ilang-Ilang Quijano.

Sinulat at binigkas ni Raymund B. Villanueva ang “Binhi ng Tula.”

Ang “Romanticizing terrorism?” ay direktang sagot ni Luchie Maranan sa pahayag ng isang hambog na opisyal ng gobyerno na kumukutya sa mga nagtatanghal kay Kerima bilang bayani ng Sambayanan.

Ang “Duyan ng Digma” ay awit na sinulat ni Rommel Rodriguez at inawit ni Jasmine Icasiano, pawang mga nakasama ni Kerima sa Unibersidad ng Pilipinas.

Binigkas naman ni Sarah Raymundo, malapit na kaibigan ng makata, ang “Pakikipagkamay” at ni Ekis Gimenes, kasama ni Kerima sa Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (Karatula) ang “Serye ng Sobresaliente.”

Ang mga tula ni Kerima na pagpapasimple sa dialektong materyalismo na may pamagat na “Pagkilos” ay binigkas ni Terence Krisha V. Lopez at ang kanyang “Aralin sa Ekonomyang Pampolitika” naman ay binasa ni Ronalyn V. Olea.

Ang musical scoring ay nilapat ng mga kasapi ng Concerned Artists of the Philippines (CAP). (https://www.bulatlat.com)

Share This Post