a
Kay rami ng isa
Published on Feb 10, 2022
Last Updated on Feb 10, 2022 at 4:13 pm

Ni RICHARD GAPPI

Ang isa, ay isa.
Nang-isa, nanloko;
Nakaisa, nakaloko.
Nang-iisa, nagtatangkang mang-isa.
Magkaisa, magkasundo at magkasama.
Ano ang kaisahan sa pagkakaisa
kung nang-iisa at nang-isa
ang bawat isa? At ngayo’y magkakasama?

Iniisa-isang punitin
ang hibla ng halagahan
at sutlang pamantayang pantao at moral
isa-isang binabantay-salakay ang kabang-yaman
isa-isang dumudura ng mga lason na salita
isa-isang binubura
ang saysay ng kasaysayan
isa-isang sinasalansan
ang graba at semento
sa itinatayong peke
at guni-guning mundo.

Saan tayo magkakaisa?
Paano?

Gayong minsang may isa
na kamay na bakal
ang dinurog, nilamukos
ang bayan.

At ngayon, ang anino
ng pangil ng daga;
gumagapang, naghahanap
ng mangangatngat.

Kayrami ng isa.
Tama na. Sobra na.

1:14PM, Miyerkules, Feb. 9, 2022
Angono 3/7 Poetry Society
Angono, Rizal

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This