a
REALITY CHECK: Ang HIV ay hindi isang ‘gay boy crisis’
Published on Jun 9, 2025
Last Updated on Jun 9, 2025 at 5:01 pm

ADVERTISEMENT

Pahayag: 95% Gen Z HIV: Boys with boys – “This isn’t a youth crisis. It’s a gay boy crisis.”

Marka: Hindi totoo.

Epekto sa komunidad: Ang sumusunod na pahayag ay iresponsable at maaaring makadagdag sa stigma o stereotype na kinakaharap ng LGBT community, lalo’t higit silang bulnerable sa HIV.

Konteksto at katotohanan mula sa komunidad: Ang populasyon ng men having sex with men (MSM) ay kabilang sa mga bulnerableng populasyon ng human immunodeficiency-virus (HIV). Ngunit ito ay hindi maaaring tawaging “gay boy crisis” dahil ito ay krisis pangkalusugan at maaaring makaapekto kahit kanino, ano man ang sexual orientation, gender identity, gender expression, at sexual characteristics (SOGIESC) ng isang tao.

Screenshot from Daily Tribune’s post about the human immunodeficiency virus (HIV)

Matagal na itong pinabulaanan ng mga advocacy groups tulad ng LoveYourself. Sa isang post, binanggit nila: “Everyone is vulnerable and may contract HIV, especially people who exhibit risky sexual behaviors, such as having sex without using condoms, having sex under the influence of alcohol and prohibited drugs, and having multiple sex partners.”

(Ang lahat ay maaaring mahawa ng HIV, lalo na ang mga taong gumagawa ng mga mapanganib na gawing sekswal, tulad ng pakikipagtalik nang walang gamit na condom, pakikipagtalik habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak at ipinagbabawal na gamot, at pagkakaroon ng maraming katalik.)

Unprotected sexual contact ang pangunahing moda ng transmission para sa parehong lalake (96%) at babae (93%). Pero higit pa rito, marami pang pwedeng maging moda ng transmission gaya ng shared needles o syringe, mother-to-child, at exchange of body fluids tulad ng dugo, breast milk, semen, at vaginal secretions.

Sa media guide on HIV reporting na ginawa ng Gugma PR, kasama ang Joint United Nations Programme on HIV and AIDS (UNAIDS), TLF Share, at Achieve, sinasabing sensational at careless reporting kung ikakawing ang identidad ng isang tao sa isang uri ng behavior (hal: sexual deviance) at sakit (hal: HIV at AIDS).

 “It is important for the media to dispel myths and stigma surrounding HIV, emphasizing that HIV is a medical condition that can affect anyone. Treatment should promote inclusive health systems free from discrimination based on people’s sexual orientation, identity, or behavior,” saad sa media guide

(Mahalagang gampanan ng media ang pagwawasto sa mga maling paniniwala at pag-aalis ng stigma tungkol sa HIV. Dapat ipaliwanag na ang HIV ay isang kondisyong medikal na maaaring makaapekto sa sinuman. Ang paggamot ay dapat magtaguyod ng inklusibong sistemang pangkalusugan na walang diskriminasyon batay sa sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlan, o gawi ng isang tao.)

Ang Daily Tribune, bilang isang news media organization, ay may mabigat na responsibilidad sa paglalatag ng tamang impormasyon at konteksto hinggil sa usapin ng HIV. (RVO)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This