Ni PEACE FLORES
Kumakalam na naman ang sikmura
ng nagbubungkal ng lupa.
Tagtuyot kasi.
Walang makakain
kapag nalanta ang pananim.
Walang laman ang kamalig.
Walang maisasaing
kahit magtatanghali na.
Kaya ang nagbubungkal ng lupa,
sumangguni sa pamahalaan.
Humingi ng makakain
dahil tuyo ang lupa.
Humingi ng butil ng bigas.
Ang tugon ng namamahala?
Butil nga.
Butil ng tingga.
At ang kalsada’y naging hapagkainan
kung saan ang pulis ay serbidor at matador,
ang pampagana’y palo ng batuta at kalasag,
ang pantawid-uhaw ay buga ng water cannon,
at ang pangunahing putahe ay putok ng baril.
Bala ang tanghalian
ng gutom na magsasaka
at nakainom pa ng dugo
ang tigang na lupa.








0 Comments