a
Ang Human Security Act, Kalayaang Akademiko, at ang Tumitinding Terorismo ng Estado
Published on Aug 18, 2007
Last Updated on Feb 4, 2011 at 9:43 pm

ADVERTISEMENT

Ang ginagawa nating mga panlipunang kritisismo (social criticism) at iskeptisismo , bilang pagpapatupad ng kalayaang akademiko dito sa U.P., ay pwede nilang isangkot na krimen bilang , “sowing widespread and extraordinary fear and panic among the populace.” At lalo na kung ang panlipunang kritisismong ito ay pinupuntirya ang pangungurakot ng mga opisyal ng pamahalaan, o maling prayoridad sa pambansang badyet na konting iniiwan para sa batayang serbisyo ng taumbayan. Marami rin sa ating mga mag-aaral at pati guro (laluna mula sa inyong kolehiyo, ang College of Social Work and Community Development) ay nakikisalamuha sa masang api sa kanayunan bilang pagtupad nila sa kanilang mga kurso o pananaliksik, kaya magiging bulnerable tayo sa suspisyon na terorista tayo dahil sa ating pakikisalamuha at pakikiisa sa aping magsasaka, halimbawa.

Talagang ang pangunahing layunin ng Terror Act ay i-target nang legal ang mga kritiko ng pamahalaan at oposisyon. Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang militar at pulis ay magta-target ng tinatawag na “pre-crime” – di pa nagaganap ang krimen, ngunit dahil masama ang iniisip ng tao, o pinag-uusapan ng tao na kritikal sa pamahalaan at estado – pwedeng i-trato na sila bilang mga kriminal. Pwede na silang i-target ng preventive detention, wiretapping, pag-freeze sa kanilang bank account, house arrest , ban sa pagbiyahe, at batay lamang ito sa hinala ng awtoridad at kahit wala pang pormal na kaso. Tila idadagdag ang pagiging “psychics” o manghuhula sa trabaho at job description ng mga pulis at militar para makitil ang sinasabing terorismo, katulad ng plot ng pelikula ni Tom Cruise na pinamagatang, “Minority Report” (2002). Sa takbo ng mga pangyayari kung saan binabansagan ng AFP/PNP ang maraming legal na organisasyon bilang “kaaway ng estado”, bago tumbahin o banatan ang kanilang mga lider at miyembro, nakakatakot ang implikasyon ng batas na Terror Act.

Ang pagdeklara na illegal ang isang organisasyon at mga miyembro nito ay nasa kamay ng Anti-Terrorism Council (ATC) na binubuo ng pinaka-rabid na mga “witch hunters” katulad ni Executive Secretary Eduardo Ermita na Chair ng ATC, at si Justice Secretary Raul Gonzalez, na Vice Chair naman ng ATC.

Ikalawa, sinasabi ng mga proponents ng Terror Act na marami naman itong “safeguards” pag inabuso o nagkamali ang militar o pulis sa pagpapatupad o paghuli sa “terror suspect.” Pwedeng makulong ang nagkamaling pulis o militar ng mula 6 hanggang 12 taon. At isa pa raw sa 22 na “safeguards” ay ang kalahating milyong pisong (P500,000) kompensasyon sa bawat araw na maling pagkaka-kulong o detensyon ng isang “terror suspect.”

Sa ganitong postura, ay lalong matutulak ang militar o pulis na iligpit na lamang ang suspek (halimbawa, pag-salvage o tuluyang pagpaslang dito) matapos ang interogasyon, para hindi na maka-reklamo pa, at para di makulong ang pulis o militar. Magiging daan ito para dagdagan pa ang mga Jonas Burgos, Karen Empeno at Sheryl Cadapan. Lalong motibo ito para hindi na ilalabas nang buhay ng mga awtoridad ang “terror suspect”, kaya higit pang nakakatakot ang mga maaaring mangyari.

Dahil sa mga nabanggit (na paglabag ng Terror Act sa kalayaan at karapatang sibil ng Saligang Batas) ako ay kumbinsido na hindi ito makakalusot sa Korte Suprema.

Narito ang ilang mga probisyon ng 1987 Konstitusyon na tahasang binabangga at nilalabag ng mga ispesipikong probisyon ng Terror Act:

(1) “Art. 2, Sec.11. The State values the dignity of every human person and guarantees full respect for human rights.”

Nilalabag ito ng Human Security Act (HSA) Sec. 3 sa pagpapalawak ng terminong terorismo upang kitilin ang karapatan ng mamamayan, at tugisin sila.

(2) “Art. 3, Sec. 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.”

Nilalabag ng HSA Sec. 18 na nagbibigay ng kapangyarihang “detention without judicial warrant of arrest.”

Nilalabag ng Sec. 53-54 ng probisyon ukol sa Anti-Terrorism Council (ATC) na siyang nagtutukoy ng ituturing na “terrorist organizations” o mga teroristang indibidwal.

(3) ” Art. 3, Sec. 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable. ”

Nilalabag ng HSA Sec. 18 na nagbibigay ng kapangyarihang “detention without judicial warrant of arrest.”

(4) “Art. 3, Sec. 3. The privacy of communication and correspondence shall be inviolable.”

Nilalabag ito ng HSA Sec. 7 na “any suitable ways and means” ay pinapayagan para i-tap o intersep ang anumang porma ng komunikasyon ng mga indibidwal o organisasyon.

(5) “Art. 3, Sec. 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”

Nilalabag ng HSA Sec. 17 sa pagtukoy ng Anti-Terrorism Council na terorista ang mga legal na organisasyon at/o indibidwal.

Nilalabag din ito ng HSA Sec. 4 na nagkukulong ng mga suspek batay sa haka-haka at walang solidong ebidensya.

(6) ” Art. 3, Sec. 8. The right of the people, including those employed in the public and private sectors, to form unions, associations, or societies, for purposes not contrary to law shall not be abridged. ”

Nilalabag ng HSA Sec. 17 na babansagang terorista ang mga organisasyon o asosyasyon, batay sa suspisyon o haka-haka ng Anti-Terrorism Council (ATC).

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This