a
Ngayong Hatinggabi
Published on Jan 12, 2008
Last Updated on May 9, 2009 at 5:24 pm

ADVERTISEMENT

NI PAPA OSMUBAL
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 48, January 13-19, 2008

Ngayong hatinggabi magtitipon sila sa karimlan,
sa kasukalan, sa gitna ng mga dahon at pangarap.
Tila mga pusa, ang kanilang mga mata ay masisilab,
at iyan ang dahilan kung bakit natitiyak nila ang kinabukasan.
Subali’t di kagaya ng pusa hindi sila biniyayahan ng siyam na buhay,
at iyan ang dahilan kung bakit pinakahahalagaan nila ang iisa nilang hawak,
gaya ng isang magulang na mabubuhay at mamatay para sa kanyang anak.
Sa loob nila, sa kanilang mga dibdib ay may balisang sigaw,
mapakla at binging hagulgol, nagmumultong daing,
kaya hindi sila makatulog, kaya hindi sila matutulog,
kaya ngayong hatinggabi magtitipun sila sa karimlan,
sa kasukalan, sa gitna ng mga dahon at pangarap.
At bukas gigising tayong hindi dama ang kapangyarihan ng gabi:
malakas ang gabi, dahil katahimikan at lihim ang kanilang mga sandata.

Inilathala ng (Bulatlat.com)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This