NI MICHAEL FRANCIS C. ANDRADA
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 5, March 2-8, 2008
1.
My name is
Deal or no deal
Kris or Banker
Offer ni Banker
Higher to lower
Hindi marunong magbasa
My name is
Mole or No Mole
ZTE or Joey DV
Offer ng ZTE
Higher to highest
Hindi marunong mahiya!
2.
I believe I can fly
Tumalon sa tulay
Kinagat ng crocodile
Umuwing gutay-gutay.
I believe I can fly
Wakwak sa Wakwak
Kinagat ng dollar bribe
Umuwing high na high!
3.
Sarah, Sarah, prinsesa
Lavinia, Lavinia, inggitera
Lottie, Lottie, iyakin
Ermengard, Ermengard, bobohin
Miss Amelia, takot sa aso
Miss Minchin, mukhang pera
Miss Minchin, mukhang pera!
Gloria, Gloria, reyna-reynahan
FG, FG, baboy-babuyan
Abalos, Abalos, iyakin
Razon, Razon, bobohin
Mister Neri, takot sa tuta
Miss Gloria, mukhang pera
Miss Gloria, mukhang pera!
4.
Red, white and blue
Stars over you
Mama said, papa said
I love you!
Red, white and blue
Stars over you
Uncle said, Sam said,
You need me!
5.
Sampung mga daliri
Nawala ang isa
Hinanap ko, hinanap ko
Nagbabati pala
Sampung mga daliri
Nawala ang isa
Hinanap ko, hinanap ko
Nagkakamot pala!
6.
Dalaga ako, dalaga ako
Mag-aasawa na
Ang pipiliin ko
Anak ng mekaniko
Kalikot diyan, kalikot diyan
Kalikutan kami, kalikutan kami
Hanggang hatinggabi
Panggulo ako, Panggulo ako
Makikipag-deal na
Ang pipiliin ko
Anak ng huweteng!
Kalikot diyan, kalikot diyan
Kalikutan kami, kalikutan kami
Hanggang hatinggabi
7.
Sabihin mo sa ate mo, break na kami
Nakita ko ang panty niya ganun kalaki
May butas sa gitna, pinasukan ng daga
Sabi ng daga ay “Eat Bulaga!”
Sabihin mo sa Daddy mo, break na kami
Nakita ko ang suhol niya, ganun kaliit
May butas sa gitna, pinasukan ng daga
Sabi ng daga ay “Moderate their greed!”
8.
Dadaan si Darna
Papuntang Amerika
Bababa sa lupa
Ang saya-saya
Bubuka ang bulaklak
Sasara ang bulaklak
Sasayaw ng chacha
Ang saya-saya
Dadaan si Gloria
Papuntang Mendiola
Bababa sa puwesto
Ang saya-saya!
Bubuka ang lupa
Lululunin ang nag-cha-chacha
Sasara ang lupa
Ang saya-saya!
*Ang mga nakahilig o italicized na mga linya ay mga tula at tugma ng mga bata na kanilang ginagamit sa pakikipaglaro o pakikipagtuksuhan sa lansangan. Tinagurian ko itong “tulang lansangan” o “tulansangan.”
0 Comments