Mabubuhay Ka sa P41.25 sa Isang Araw, ayon sa National Statistical Coordination Board

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Bulatlat
Vol VIII, No. 7, March 16-29, 2008

Sampung pisong pisbol ang kainin sa almusal.
Sampung pisong pisbol ang kainin sa tanghalian.
Sampung pisong pisbol ang kainin sa hapunan.
Sa halagang P30, lubos nang matutugunan
ang pangangailangang kumain
nang tatlong beses sa isang araw.

Para naman sa “panulak,”
mabibili sa sampung piso
ang pinakamaliit na bote ng mineral water.
Matutong magtipid at kakasya sa maghapon
ang 350 ml na tubig.

‘Yang matitirang P1.25 ay huwag balewalain:
kapag nagmarakulyo ang sikmura
at ayaw kang patulugin pagdating ng gabi —
lamang-tiyan din ‘yan,
lamang-tiyan din ‘yan.

(Bulatlat.com)

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. Darating ang araw, ni PISBOL ala na kayong kakainin . At kung hahayaan ninyong magpatuloy ang kabulukan ng gobyerno .DAMO na ang pagaagawan ng mga tao. DAMo sa agahan, DAMO sa tanghalian, DAmo sa hapunan, ang pantulak PAWIS na lang. Yan eh, kung may natitira pang ipapawis. At kung kumalam ang tiyan sa hating gabi, ALA NA! Maghinagpis ka man huli na, dahil sa kapabayaan na makulimbat ng mga GANID na politiko ang yaman ng pilipinas. Yan ang buhay pinoy.

Comments are closed.