Binugtong na Bayan: Paglikha ng Makabayang Bugtong sa Ninunal na Panahon

(6)
Nang sundutin ng Kastila
Ang maitim na puwet ng Ita,
Naglagablag ang baga.

Mapipiga mula sa naturang bugtong na ang pandarahas ng mga kolonisador sa mga sinaunang Pilipino ay hindi nagdulot nang pangangayupapa, kundi ng protesta’t rebolusyon sa kolonyal na (kawalang-)kaayusan.

Bugtong ng Negosyo

Sa intensipikasyon ng konsumerismo at monopolyo kapitalismong Amerikano sa Pilipinas, makikitang maging ang paraan ng pagbugtong sa Pilipinas ay naapektuhan nito. Tingnan na lamang natin ang mga bugtong na nililikha ng konsumeristang industriya ng kulturang popular sa Pilipinas: mga tagline ng iba’t ibang produkto ng mga lokal at dayuhang monopolyo kapitalista. Si Dr. Rosario Cruz Lucero, sa kaniyang mga klase ng Panitikan ng Pilipinas 12: Text Mo, Text Ko, ang unang nagpahiwatig na ang mga tagline ay maituturing nang modernong bugtong. Dahil araw-araw na itinatanghal ang mga produkto ng konsumerismo sa pangmadlang midya, malay man o hindi ay pumapasok ito sa kamalayan ng mamamayan. Sa industriya ng advertising, tinatawag ang malay o hindi-malay na pagsasa-kamalayan bilang soft-selling.

Gawin nating halimbawa ang mga advertising tagline ng iba’t ibang produkto at ang mga station tagline ng iba’t ibang kumpanyang pangmidya. Kapag narinig o nabasa natin ang mga tagline tulad ng

(7)
I-Bottomless Mo!,

tiyak na “Nestea” ang maikakabit natin dito. Kapag naman ang tagline na

(8)
Making great things possible,

ang natunghayan natin, “Globe” ang siyang sasagi sa kaisipan. Gayundin, kapag nakabasa tayo sa dyaryo ng salitang

(9)
Kapamilya,

ang ABS-CBN ang naiisip natin kahit na tungkol sa hinaing ng mga migranteng manggagawa ang tinatalakay ng artikulo sa dyaryo. O di kaya naman ay

(10)
Kapuso,

na batid nating salitang pangkondisyon ng GMA 7 sa mga tagapagtangkilik nito.

Samakatuwid, ang mga tagline na ito mula sa mga patalastas ng samu’t saring produkto at kumpanya ang maituturing na mga “bugtong-negosyo” o “bugtong ng kapitalismo.” Kung ang pagbuo ng mga bugtong noong sinaunang panahon – at magpasahanggang ngayon sa maraming komunidad ng mga pambansang minorya – sa Pilipinas ay isang komunal na aktibidad, ang pagbuo ng mga bugtong ng negosyo ay isang binabayarang aktibidad ng manggagawa-manunulat na pumapasok sa isang relasyong pangkapangyarihan sa nagpapasahod sa kaniya. Ang mga manggagawa-manunulat ng iba’t ibang ahensiya at kumpanya ng industriya ng advertising ang lumilikha at lumalalang ng mga linya at konseptong ipangbebenta ng mga produkto ng mga negosyanteng umaarkila sa mga manggagawa-manunulat. Halimbawa nito ang mga sumusunod na tagline ng iba’t ibang sikat na monopolyo kapital (produkto ng monopolyo kapitalista) at negosyo, na sa paulit-ulit na pagpapatalos sa atin sa pangmadlang midya ay namememorya na ng madla:

Share This Post

2 Comments - Write a Comment

  1. araw araw namamatay,taun taon nabubuhay..

Comments are closed.