Binugtong na Bayan: Paglikha ng Makabayang Bugtong sa Ninunal na Panahon

(7)
We’ve got it all for you!

(8)
Ang wallet na masuwerte!

(9)
Wais!

(10)
Ito ang Tama!

Samakatuwid, ang mga modernong bugtong na ito, malay man o hindi, ay kawangis at kapisan ng mga negosyo. Sa akademiya naman, Si Prop. German Gervacio ang maituturing na nagpasimuno at ang pangunahing tagapaglikha ng mga modernong bugtong. Ang masigasig niyang obserbasyon sa kontemporanyong panahon – at sa mga produkto ng panahong ito – ay makikitang naisabugtong sa kaniyang mga akda. Pansinin kung paanong naipagdikit ni Gervacio ang katutubong pamamaraan ng pagbugtong sa mga modernong produkto ng iba’t ibang lokal at dayuhang industriya sa bansa:

(11)
Umiikot ang mga tainga,
Malamig-lamig ang hininga.

(12)
Kulog ni Genevieve,
Naaabot lang ay yungib.

(13)
Pagkapandakekok na elepante,
Alikabok ang pagkain parati.

(14)
Duguang buhok ni Leticia
Sinipsip ng kanyang bisita.

Ang mga likas na bahagi ng kaligiran noon ang nililikhaan ng bugtong ng mga Pilipino. Ang mga produkto ng teknolohiya, ang mga komersyal na establisimiyento at mga (neo)kolonyal na impluwensiya ngayon ay kabilang na sa maaaring ibugtong ng mga Pilipino. Masdan halimbawa ang mga modernong bugtong na nalikha ng aking mga estudyante sa Panitikan ng Pilipinas 12 at Malikhaing Pagsulat 10:

(15)
Isang lugar na maraming aircon
May kinalaman kay Sharon.
(Lorence Benitez)

(16)
Isang higanteng nilalang,
Walang kabusugan, walang kauhawan.
(Chrisse Hyne Hernandez)

(17)
Pinaupo sa kandungan,
Pinindot-pindot pa ang katawan.
(Mark Jhun Ilejay)

(18)
Panalangin ni Totong ay di mabutas
Kung hindi’y mukha ang lalabas.
(Jothesa Sunglao)

Naging popular rin sa birtwal at elektronikong komunikasyon ang mga text-joke na pinagsasalita ang iba’t ibang bagay. Ang pangunahing pamamaraan ng abstraksyong ginawa sa text-joke ay ang personipikasyon – o ang paglalagay ng katangiang-pantao sa mga bagay, sa partikular ang literal na pagbibigay-tinig o pagpapasalita sa mga bagay na ito. Tinatayang nagsimula ito bilang pagkokomisyon ng mga kumpanyang Globe at Smart sa mga lumilikha ng text-jokes. Ngunit sa kalaunan, kahit sino ay lumilikha na ng ganitong uri ng text-joke sapagkat madali lamang sundan ang porma: (1) isa o higit pang prase o linya na nakapaloob sa mga panipi; at (2) emdash o dobleng gitling na agad susundan ng pangalan o tawag sa bagay na nagsaad ng nakapaniping prase o linya. Literal na direktang quotation ito mula sa naturang bagay. Maituturing itong modernong bugtong sapagkat ipinahuhula sa mambabasa – at makikinig, dahil ang operasyon ng text-joke ay hindi lang ipabasa-ipasa kundi iparinig-ipasa – kung sino o ano ang bagay na nagsasalita. Halimbawa ang text-joke o text-bugtong na

Share This Post

2 Comments - Write a Comment

  1. araw araw namamatay,taun taon nabubuhay..

Comments are closed.