a
Para kay Jayco at sa iba pang anak ng picket line
Published on Nov 15, 2008
Last Updated on Nov 15, 2008 at 4:31 pm

ADVERTISEMENT

NI VIJAE ALQUISOLA
Inilathala ng Bulatlat

Maaga mong natuklasan
Na kinakailangang itigil
Ang ikinabubuhay
Upang mas ganap na mabuhay.
Sa edad sampu, batid mo’ng
Nasa may
P
A
A
N
A
N
Ng lipunang hugis Mayon
Ang iyong talampakan,
Ang inyong talampakan.
Karugtong ng ABKD ng ‘yong dila
Ang MAKIBAKA!
Bahagi ng iyong kabataan
Ang “Boycott Nestle”
Sa tangan mong karatula.
At sa iyong pagtanda,
Babaunin mo ang mga aral ng welga.
Sa inyong pagtanda, hihibuan n’yo
Ng kulay ng protesta
Ang mga bakod ng pagsasamantala.
Dahil hindi mapakakalma
Ng mga pinatamis na patalastas
Ang kumukulong pait sa’yong bibig,
Sa inyong dibdib.
Bukas, bulkan kayong sasabog.

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This