a
Maraming Bagay Na si Joc-joc Bolante Lang ang Nakakaalam
Published on Nov 24, 2008
Last Updated on Nov 24, 2008 at 3:23 pm

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Bulatlat

Maraming bagay na walang nakakaalam
maliban kay Joc-joc Bolante.

Nabanggit niya, halimbawa,
sa isang imbestigasyon ng Senado
na wala naming fertilizer funds scam.
Walang nakakaalam nito,
maliban kay Joc-joc Bolante.

Siya lang ang nakakaalam na puwedeng pabulaanan
ang isinisigaw ng mga opisyal na dokumento.
Siya lang ang nakakaalam na puwedeng tamnan
ng mais at palay ang mga lansangan sa lunsod.

Siya lang ang nakakaalam
na hindi luntian ang mga dahon ng palay,
na hindi dilaw ang mga butil ng mais,
na hindi kayumangi ang lupa,
na hindi abuhin ang aspalto.

Walang nakakaalam ng lahat nito
maliban kay Joc-joc Bolante.
Pagpugayan ang kanyang kahenyuhan.

(Bulatlat.com)

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Ads

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MORE FROM BULATLAT

Pin It on Pinterest

Share This