Sayaw ng Halimaw

Ni Joi Barrios-Leblanc, Bayan Women’s Desk
Inilathala ng
(Bulatlat.com)

Masayang sayaw ang cha-cha.
one two, one two three
Salit-salitang mga paa.
one two, one two three
Cha cha cha. cha cha cha.

Ngunit itong cha-cha
na gustong palusutin,
ay bagong pag-indak
sa lumang tugtugin.

Sa bawat paang pumapadyak-padyak
Ay may mga kamay
Na siyang kumukumpas-kumpas.
Sa bawat batas na nais palitan
Ay tiyak na mayroong
tunay na makikinabang.

Ano nga ba ang chacha
Kundi sayaw ng halimaw?
Sayaw ng mga paa at kamay
na pumupulupot sa katwiran
masaklot lang ang kapangyarihan?

Mga kababayan!
Chacha ay labanan!
Magbantay,
Magtanggol,
Manindigan!
Manindigan para sa Bayan!

(Inilathala ng (Bulatlat.com))

Share This Post