Kulturang Popular sa Pagtatapos ng Taon

Heto ang aking sampung obserbasyon sa kulturang popular ng 2008. Hindi ito syentifiko, simpleng natukoy na kalakaran sa isang phenomenon na nasa syudad, karanasang tumbok ang indibidual na kasiyahan kahit pa para sa kita naman talaga ito ng negosyo, ang pagsantabi sa artikulasyon ng pasakit at pighati rito, pati ang transformasyon tungo sa depolitisisadong docile na sabjek.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat

Heto ang aking sampung obserbasyon sa kulturang popular ng 2008. Hindi ito syentifiko, simpleng natukoy na kalakaran sa isang phenomenon na nasa syudad, karanasang tumbok ang indibidual na kasiyahan kahit pa para sa kita naman talaga ito ng negosyo, ang pagsantabi sa artikulasyon ng pasakit at pighati rito, pati ang transformasyon tungo sa depolitisisadong docile na sabjek.

1. Second-generation mallsifikasyon

Tila ang North EDSA ang ground zero ng ikalawang henerasyon ng malls at mallsifikasyon. Bilang malls, naipaloob nito ang nasa labas: parke at hayagang plaza—mas matingkad na combo meal ng gitnang uring libangan at pagkamamayan–sa sentro ng establisyimento sa SM West at Trinoma Malls. Mas malinaw rin ang distinksyon ng mamahaling shops at demarkasyon ng uri. Hindi na lamang simpleng palapalapag na habang tumataas, tulad sa Megamall, ay mas nagiging exklusibo ang mga tindahan.

Ang buong The Block ng SM West ay high-end (mas malakas ang aircon dito kaysa sa naunang mga struktura), ang talukap na bahaging nasa Mindanao Avenue sa Trinoma ang mas eklusibo sa exklusibong espasyo. Bilang mallsifikasyon, ang malls ay integral sa kalkulasyon ng MRT na trafiko, support sa call center na negosyo, pinakaaksesorya sa condo boom—pawang mga indikasyon ng fantasya ng lokal na modernidad at kosmopolitanismo.

2. Building frenzy sa exklusibong enclaves ng syudad

Patuloy ang construction boom sa The Fort at Libis. Maging sa Ortigas at UP-Ayala Techno Hub. Sentro ng konstruksyon ang mga sumusunod na henerasyon din ng condo building—matatayog na modernong industrial na salamin at bakal, na siempre ay heavy ang reliance sa aircon at steady na supply ng kuryente at teknolohiya. Pang-OCW ang mga ito, pero hindi para sa lahat—pang-middle at upper management at career level na migranteng manggagawa na maliit na bahagdan ng suma-total na bilang.

Susunod ay ang mga gusali para sa call centers. Matatayog ito sa Ortigas at Makati. Mga tig-apat na palapag sa UP-Ayala Techno Hub sa Commonwealth. At mula sa bagong gitnang uring may bagong akses sa yaman, ang litanya ng mga serbisyo at establisyimentong nakaukol sa kanila: 24/7 na convenience store, buffet breakfast na nagsisimula ng hatinggabi, inuman at bilyaran, delivery service ng mga fastfood outlets, mas mumurahing condos, at iba pa.

3. Dekadenteng subkultura ng call center na negosyo

Dahil bagong-yaman ang mga 200,000 nagtratrabaho sa call center, tulad ng nauna sa kanilang henerasyon ng mga kabataan sa subcontractual work sa fastfood at iba pang retail na negosyo, may personal na pakiwari ng empowerment ang nabiyayaan at nagpursiging magtrabaho sa precarious na gawain ng call center. Night shift, virtual ang performance ng gawain, pati ang kausap, nakakaburyong kundi man nakaka-harass, mababa ang self-esteem, nagkakaroon ng short-term deficiency disorder, ibang uri ng STD, tunay na para lamang sa matatapang at pinaka-entusiastikong kumita ang ganitong gawain.

Ang bunsod nito dati ay ang proliferasyon ng gamit sa droga, tulad ng tinaguriang “pedestrianong trabaho” ng pagmamaneho ng taxi at bus, macho dancer at GRO para lamang manatiling gising na vampire sa gabi. Dahil sa spot-check na drug test, tila nabawasan na ito. At para bumaba naman ang tama, matapos ng adrenalin rush sa pagmimiko sa American twang, inom naman paglabas sa madaling umaga. Ngayon, ang balita ko ay tumataas ang insidente ng unprotected sex sa call center na estabilisyimento, at pati ang HIV. May narinig pa akong overnight trip sa di-kalayuang lugar para mag-orgy.

Share This Post