Kulturang Popular sa Pagtatapos ng Taon

Pero di tulad ng ukay-ukay, mas upscale ang presyo ng mga muwebles na umaabot ng libo. Tanging maliliit na items lamang ang mabibili mula beinte hanggang singkwenta pesos. Wala pa rin akong naririnig na sale pero may tawaran, tulad sa ukay-ukay. Kaya kung gustong magkaroon ng muwebles at gamit sa bahay na kakaiba, hanapin ang pinakamalapit na Japanese surplus sa inyo.

8. Paalam Friendster, helu Facebook

Sa isang ulat daw, sinabing may makauring karakter ang social networking ng mga Pinoy sa internet. Ang mababang uri ay nasa Friendster pa rin, at ang mas mataas na uri, pati ang may internasyunal na konek ay nas Facebook naman. Mas maraming gitnang uring marka ang kailangan sa Facebook: digicam dahil mas mabilis mag-upload ng sandamakmak na litrato rito, mas mabilis ang palitan ng messages at pag-uulat kung ano ang gagawin ng may account sa kanyang araw.

Marami ring kaeklatan ang Facebook, nakasentro sa pagbibigay ng kung ano-anong virtual gifts: communist items, Pinoy food, Japanese drink, drugs, at iba pa. Kaya rin mas matingkad ang advertising sa site na ito. Hindi naman talaga ang layunin ay iugnay ang magkakaibigan kundi matagumpay na iugnay para kumita ng bilyones ang nag-develop ng site. Hindi nga ba’t bilyones ang halaga nang ibenta ang Youtube, at nang tangkaing bilhin din ang Google? At alam na nagtagumpay na ang Facebook dahil salita at brand na siya. “I-Facebook mo naman ang mga kinuhang litrato?” “I-Facebook kita para mabalitaan kita.” “Magfe-Facebook muna ako.”

9. Reality television rules

Dalawang uri ito: una, ay ang pinagsama-samang maiikling docus na kalakhan ay galing ng US, at ni-repackage sa lokal na telebisyon; at ikalawa, ang franchise nito tulad ng Fear Factor, Philippine Idol, Survivor o yung sumusunod sa format ng US na telebisyon, tulad ng mga nagsho-showcase ng iba’t ibang galing ng mga Filipino, mula sa paghi-hiphop hanggang sa pang-circus na acts.

Quest narrative ang mga ito, na ang pinaka-deserving batay sa mantra ng social Darwinism (survival of the fittest) ang magtatagumpay. Siempre, tulad ng anumang palabas sa bansa, may inside story ng karukhaan at Cinderella story na itinatampok sa palabas. Para sa huli, ang pinaka-morally deserving ang magkakaroon ng pagsasagip ng negosyo at estado, kahit pa may interaktibong text voting mula sa audience, na isa pa ring paraan ng pagkita para sa prodyuser ng palabas.

Social Darwinism rin bilang mudra (mode) ng pagkamamamayan. Na-reduce ang mamamayan bilang charity project, na kailangan nitong magpa-project ng kabutihang loob para magkaroon ng panlipunang redemption na itatangi bilang mudra para sa lahat.

10. Mga bagong luma mula sa gwapo

Anim na buwan matapos magawa ang dinadambana ng interfacing ng bicycle at pedestrian lane, u-turn slots, pag-iilaw at pagpapalawak ng highway sa Commonwealth Avenue, tila luma na kaagad ito. Mayroong di natapos: ang kumpletong pag-iilaw ng highway, ang pananatiling makitid ng kalsada pagpasok ng Fairview area na nagdudulot ng malawakang trafiko sa rush hour. Mayroong sablay ang pagtatapos, ang pagkitid sa daan para sa built-in hindi lang blokeng pantapal sa u-turn slots. Hindi konektado ang bicycle lanes sa ibang bahagi.

At sa maraming bahagi ng syudad ngayong magpapasko, wala nang kalsada ang hindi nakakaranas ng trafiko. Nandoon pa rin ang maraming tarpaulins ni Bayani Fernando. Naangkat na rin sa iba pang lugar, tulad ng kanyang pagdalaw sa probinsya. Sa pagbubukas ng ni-renovate na Carillon sa UP, may tarpaulin na naman ito. At habang nagsasalita na nangangampanya na, parang ganito ang kanyang sinabi: kapag matanggap siya ay mayroon nang political will ang mga Filipino, kapag hindi ay nananatili ito sa kanyang dating gawi.

Hindi ba siya natatapat sa salamin o sa kumpisalan?

Sa malawakang depolitisasyon ng kultura sa pang-araw-araw, naging mayabong ang tugon ng kilusang masa. Ang People’s Caravan ay nagpapatuloy makapagmulat at magpakilos nang higit na nakararawi para sa panlipunang katotohanan. Isinadula ng Sinagbayan ang Lorena, na nailangkap ang una at makabagong figura ng makabayang martir na kababaihan. Patuloy ang alternative cinema ng kilusan. Patuloy ang pagyabong ng sining biswal sa effigy at tarpaulin ni Arroyo.

Patuloy ang makauring tunggalian para sa sining at bayan. (Bulatlat.com)

Share This Post