a
Published on Jan 5, 2009
Last Updated on Jan 5, 2009 at 3:18 pm

ADVERTISEMENT

NI RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat

Namulat ka nang ginarote ang Gom-Bur-Za;
Kaya nabuo ang Kilusang Propaganda.
Sa salita’t sulat, giit mo ang reporma
Ngunit nagtengang-kawali lang ang España.
Gayunman, simulain mo ay ‘di nabigo;
Hinangad mong katarungan at pagbabago
Tinanganan, isinigaw ni Bonifacio:
Napuno ang salop, dibdib ng Pilipino.
Kami ngayong mga anak ng lalawigang
Parangal sa iyong dakila at pangalan;
Gagawin tuwina ang pinakamainam
Upang itanghal ka sa rurok ng pedestal.
Nabuwal ka man din ng punglo sa Luneta
Nabuhay ka naman sa puso at gunita.

Angono, Rizal, Pilipinas
Disyembre 30, 2008
6:55 ng umaga

(Binasa sa liwasang bayan ng Angono bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-112 taon ng pagkamartir ni Dr. Jose P. Rizal)

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This