Anak ng Digmaan

NI TERENCE KRISHNA V. LOPEZ
Inilathala ng Bulatlat

Kay Rebelyn at sa ating lahat na isinilang sa gitna ng digma

Pinaslang kang walang laban,
Nilamog ang katawan mong walang lakas,

Ikaw na ang tanging sala’y
Naging anak ng digmaang
Mula sa iyong libing
Ay mag-aanak ng libu-libo pang
Mandirigma

Yumao ka
At luha ng baya’y ulan,
Unos,
Bagyo
Kasabay ang pagbaha
Ng gunita
Ng mga tulad mong
Biniktima
Ng dahas ng mga berdugong
Pagdating ng araw
Ay magagapi,
Masasawi

At ng sistemang
Makapal na ulap man ngayo’y
Mahahawi

Sa pag-ulan ng tagumpay.

Gawin mong pataba
Sa iyong libingan ang mga luha
Ng sa iyo’y paggunita
Tiyak uusbong
Bulaklak ng pag-asa
Sa aanihing tagumpay

Pinaslang ka
Nang walang-awa
Nilagutan ng hininga

Ngunit hindi nila kailanman
Mapapslang
Malalagutan ng hininga
Ang dahilan
Ng digmaan.

Kitang mga anak ng sigwa,
Paslangin ma’y
Patuloy na lalaya.

(Inilathala ng Bulatlat)

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. bisan pag kamo mipanaw na
    apan sa among mga kasing-kasing
    padayong magpabilin.
    ayaw mug kabalaka
    kai kami magpadayon
    kauban ang masa.
    ug kab-uton
    kadaugan…

Comments are closed.