NI JOI BARRIOS-LEBLANC
Syento Beinte Singko
Gasino na ang syento beinte singko?
Apat na kilo ng bigas,
ilang saing sa hapag ng mahirap.
Anim na pirasong galunggong,
Simutin mula ulo hanggang buntot,
at nang makatawid gutom.
Kahit noodles ay laman na rin ng sikmura
at sa limang pisong pakete mula sa pabrika.
busog ka sa asin at betsin, paalam na sa sustansiya.
Gasino na ang syento beinte singko.
sa kapitalista’t may kuwarta
isang tasa ng kape sa Starbucks,
isang hiwa ng kesong maalat,
isang espesyal na ensaymada
na ihahain na pang-meryenda.
Syente beinte singko lang ang dagdag na suweldong
hinihingi ng manggagawa.
Syento beinte singkong walang dantay
sa mga guhit ng timbangang sumusukat
sa agwat ng kapitalista’t manggagawang naghihirap.
Sa Araw ng Paggawa
Kasingtayog ng gusali na siya ang nagtayo,
Kasingkinang ng minina niyang ginto
Ang halaga ng paggawa,
Ang pagsikhay na dakila.
Ngunit nabubuhay tayo sa mundo
na nangungusap ng salapi,
At sumusukat sa tao
Sa nakamal na pag-aari.
Ang manggagawa’y bayaran lang.
Ang walong oras, limang araw,
ay ipagpasalamat!
Bakit pa hihilingin
na ang sahod ay tumaas?
Bakit hindi?
Ano’t ang pagpupunyagi
ay hindi tutumbasan ng biyaya,
O sasalubungin ng pagkilala.
Sapat na pagkain sa hapag,
Isang pumpon ng mga bulaklak.
Pagkat siyang lumilkha ay kaya ring magbuwal,
Siyang nagtiya-tiyaga ay marunong ring lumaban.
At ang daigdig na isinusulong niya sa pag-unlad,
Ay daigdig din na babaligtad sa kanyang pag-aklas!(Bulatlat.com)
ang lupit nung unang tula, kasama ang galing simple at mabigat ang dating nya, pinapakita nya ang pang-araw araw buhay ng isang obrero. grabe talaga buti nalang naranasan ko maging sahuran nuon at naunawa ko ang kalagayan ng obrero, nung nagtratrabaho ako s Duty Free Phils. kape lang agahan ko tapos ang pasok ko 9am magluluto ako ng pancit canton ayun na baon ko s work at 5 peso na kanin,lunch ko na yun, paguwe sa gabi noodles naman at kape, tapos tutulog na dahil bukas busabos na nmn ako ng kapital. nakakarelate yung unang tulo eh s naranasan ko, hirap pa nun contructual ako, iisipin mo lagi wala man lng dignidad ang isang obrero sa pinas,kya paulit ulit ko nirereAffirm tama ang aral ng Movement sa Pilipinas eh tumpak at di sila mali sa mga ginagawa nila,ano naman kaya ang magyayari satin ang Gubyerno natin nasayaw sa kumpas ng mga Corporation ng dayuhan na patuloy na nagpapahirap sa hirap ng mamamayan ng mundo,pigang piga na lalo pang pinipiga, sa pagtanaw ko lalo pa lalalim ang Krisis na ito at mauuwi sa Fascismo dahil lalaban ang mamamayan wla iba tatahakin ang mga nasa kapangyarihan kundi karahasan ang isagot sa collectibong pagkilos ng mamamayan lalo na sa aking bayan.wla nmn bumagsak na estado kahit ito ay nasa bingit na ng bangin at batbat ng lahat krisis nangangailangan padin ito itulak sabi ng Gurong si Lenin. grabe ano maging obrero ay isang lagim sa ganitong kaayusan, napakasarap damahin nung magtratrabaho ka lng ng 4 na oras sa isang araw tapos my katumbas na 8 oras ang kita mo, ok na sakin kahit ibayad sakin ng lipunan na hinahangad ko ay apat na oras na pinagpawisan ko,kung sa kabilang banda nmn libre na ang edukasyon at bayad sa kuryente ay nasa makatwirang halaga, tpos my panahon na ako s fmily ko kasi 4 na oras s isang araw tpos najan ang tindahan ng kooperatiba na nasa makatwiran ang halaga, my kapanatagan at peace ba, kaso alam ko ang kapalit para maabot ang lipunan na ito,
hapi May 1 …
yung naman 2nd na tula ayos din may panawagan cia my call.naalala ko yung isang awitin jan, i 4got na nga lng ang title ng song pero alam ko padin ang lyrics nya::
daang taong hinubog mo;
mga lipunan sa mundo;
ang kabihasnan ay naitatag sa dugo at pawis mo;
mga palasyo ng hari ikaw ang nagtayo at ikaw din ang humubog ng kanilang mga palamuting ginto