Isang Uri ng Awit

NI OLIVER CARLOS
Inilathala ng Bulatlat

Huwag bulabugin ang sawa
na nakapulupot sa kanlungang sanga;
hayaang mag-abang ng kanyang masisila.

Itulad siya
sa taludtod ng tula.
Sa mga salita—banayad nguni’t kagyat.
May talas, may pangil ang kataga.
Tahimik na naglalamay
Matiyagang naghihintay.

Sa himig, imahe at anyo
hayaang pag-isahin ng tula ko
ang tao at bato. Gumuguhit ako

Maso’t karit—
Sandatang pamatid
sa tanikalang nasa leeg.

Abril 26, 2009

(Inilathala ng (Bulatlat.com))

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. I got this web site from my buddy who informed me about this web
    page and now this time I am visiting this website and reading very
    informative content here.

Comments are closed.