Lakan ng Parokya 2009

Gitnang uri ang panuntunan ng Lakan ng Parokya. Pinagkagastusan ang fantasy costume na dwende, zombie, tikbalang, taong lobo, engkanto, halimaw at taong-ahas. Lamang-lupa ang motif ng buong pageant, na na-assign na tema mula sa apat na elemento para apat na tampok na aktibidad sa gabi sa fiesta. Sa sports wear naman ay scuba diving (“scooba” ang spelling sa programa), airsoft, gold, polo sport, equestrian, arnis at surfing ang tinangkang gayahin ng mga kontestant.

NI ROLAND TOLENTINO
KULTURANG POPULAR KULTURA
Bulatlat

Ito ang male beauty pageant sa pista ng Krus na Ligas (KNL). Nastandardisa na ang pageants—tig-isa para sa kababaihan, bading, at kalalakihan. Sa media na lipunan kasi, natutunghayan ang beauty pageant sa telebisyon, mall, billboard, Boracay at iba pang beaches, at heto nga, sa covered court ng KNL.

Magastos ang paglahok dito dahil may apat na costume na kailangang isuot: fantasy wear, sports wear, summer wear at formal wear. Kahit pa tiglilimang puntos lang naman ang bawat isa, hindi lamang sa may malaking diprensya sa scoring kung kulang ka ng costume, inaasahan na kumpleto ka talaga. Hindi ka sasali rito kung wala kang matibay-tibay na sponsor.

Gitnang uri ang panuntunan ng Lakan ng Parokya. Pinagkagastusan ang fantasy costume na dwende, zombie, tikbalang, taong lobo, engkanto, halimaw at taong-ahas. Lamang-lupa ang motif ng buong pageant, na na-assign na tema mula sa apat na elemento para apat na tampok na aktibidad sa gabi sa fiesta. Sa sports wear naman ay scuba diving (“scooba” ang spelling sa programa), airsoft, gold, polo sport, equestrian, arnis at surfing ang tinangkang gayahin ng mga kontestant.

Mamahalin din ang ilang costume sa formal wear, bagamat ang iba ay tumangkang mag-make-do na lamang sa kanilang gamit sa bahay para sa interpretasyon sa suoting formal. Modest dapat ang mga costume dahil ang parokya nga mismo ang sponsor nito. Pero konserbatibo man ang costume ay tinilian pa rin na parang matinee idol ang mga kontestant. Ang kahalayan ay naramdaman ko pa sa ibang portion ng pageant.

Alas-nuwebe ang simula dapat ng kontest. Alas-dyes ito nagsimula at alas-dos nagtapos. Sa pagitan ng bahagi ng male beauty pageant ay dance numbers ng mga grupo ng iba’t ibang edad—mula paslit hanggang young adult. Kaya inabot ng siyam-siyam na hindi naman inantala ng manonood. Mas mahaba pa nga, mas maganda para sa manonood at kamag-anak na handang magpaumaga sa kontest.

Ang mga paslit na babae ay mahahalay ang giling. Isipin na lamang si Beyonce na isinasayaw ng mga batang di pa pumapasok sa eskwelahan. Sa katunayan, isipin na lamang si Beyonce na isinasayaw ng mga paslit na bading. Effeminate ang mga batang bading. Ito ang role model nila ng kabadingan. At marami silang namamayagpag sa male beauty pageant.

Sila ang backup dancers habang isa-isang pinakilala ang mga kontestant. At kung makapag-sway ng katawan habang nakaluhod na pumupwesto sa mga tagiliran ng lalakeng kontestant, matutuwa ang kanilang mga parloristang lola. Sa katunayan muli, sponsor sa gabi ang Gay Society kaya ang kanilang presensya ay ramdam sa buong palabas.

Namumutiktik ang tarpaulin sa covered court. Sisikang lugar ang KNL. Ang covered court ay bukana ng elementary school, na kabahagi rin ng baranggay hall, opisina ng parish, at ng simbahan. Malaki ang tarp ni Nanette Castelo Daza na nagyayabang sa “completed project” ng “repair and construction” ng KNL Elementary School. Multi-purpose hall ang covered court. Nandito ang K-Man Cup Season 1 para sa Second Interpurok Volleyball Tournament for All Mothers.

May pagbati ng “Congratulations Graduates!” mula kay Atty. Jun Ferrer, “Happy Fiesta!” mula kay Mayor Sony Belmonte, at “P5 akto! na ngayon” mula sa Coke. High-tech naman si Fely “Inday” Ong, kapitana ng baranggay, dahil naka-LCD ang kanyang picture slideshow kahit pa may tarp rin ito bilang pangunahing sponsor ng gabi.

Mababang gitnang uri ang mga kontestant. Sa isa sa mga spiel, ang kanilang mga pangarap sa buhay ay maging “successful” nurse at seaman ang anim na kontestant. Ang isa ay nagsabing maging “famous journalist.” Kalakhan ay nagsabi rin na ang mga magulang ang kanilang role model, at may isang nagsabing ang artistang si Piolo Pascual.

Pero ang pagsasala ng pagiging gitnang uri ay hindi lamang nadaan sa costume, interview at pagbasa ng kanilang aspirasyon sa buhay. Nasala ang mga kontestant sa formal na question-and-answer portion ng pageant. Isa lamang ang katanungan na pinaghirapan pang i-coordinate ng organizers. Inilagay ang mga kontestant sa isang kwarto sa ikatlong palapag na may aircon. Isa-isang pinababa para hindi magkarinigan sa sagot.

Ang tanong ay “Dahil ang theme ng gabi ay lupa, paano mo maipapagmalaki an gating lupang sinilangan?” Tulad ng beauty pageant ng mga kababaihan, lalo na ang televised, dito na nga nagkatalo ang mga kontestant. Ang iba ay maiigsi ang sagot. Ang iba ay malalawig pero walang tinutumbok ang mga sagot. Ang iba ay nasapol ang pagsagot.

Share This Post

2 Comments - Write a Comment

  1. wala akong naintindihan dahil hindi tungkol sa larong arnis

Comments are closed.