Politika ng Kulturang Popular ng Cha-cha

At ang hindi isinasaad, ang union-busting at subcontractual labor practices nito. Si Mother Lily Monteverde, ang nagmana ng matriarch na namamahala at nagmamay-ari ng studio system sa bansa, ay dinadakila sa kanyang mangilan-ngilan na makabuluhang pelikula, o ang pagpapanatiling buhay ng industriya ng pelikula, gayong di lubos na binibigkas ang exploitatibong kalakaran ng studio system, at ang urban legend ng ilang gives na postdated checks imbes na instant bayaran matapos magawa ang trabaho, ex-deals, paboritismo, at inkorporasyon ng mga panaginip sa mga pelikulang ginagawa nito.

Ang cha-cha ay hindi naman hiwalay sa manipulasyon ng estado para lubos pang maipasok ang neoliberalismo kahit sa pinakamatinding pagdanas ng pandarambong, korapsyon at paglabag sa karapatang pantao sa administrasyong nagtataguyod ng higit pang pagkiling ng bansa sa imperialistang globalisasyon. Walang pinipili ang neoliberalismo at imperialistang globalisasyon kundi ang kagyat na pamunuang makakapaghatid sa bansa sa dambana ng merkado nito.

At sa kawalan-konsyensya ng imperialistang globalisasyon ng yugto ng kapitalismo, nawawalan din ng accountability, transparency at tunay na publiko serbisyo ang pambansang pamahalaan. Bakit pa nila gagawin ito nang lubos kung pwede naman ang pinakabatayan lamang para mabuhay nang walang dangal ang maraming mamamayan?

Sa mamamayan, isinanla na nila ang kanilang kaluluwa sa estadong una nang nagsanla sa kanilang interes sa imperialismo. Ito ang krisis ng mamamayan—kakakurampot na nga lang ang kanilang aktwal na halaga at turing na isinasanla pa ito ng pambansang pamahalaan ni Arroyo sa imperialismo di naman talaga handang magpikit-mata at kibit-balikat sa pagkabangkarote nito. Walang konsyensya at kaluluwa ang imperialismo.

Kung mayroon, nag-self destruct na ito. At dahil hindi pa ito nagse-self-destruct, ang mamamayan ang pinapa-self-destruct: isanla ang kanilang panaginip, at kondisyon ng posibilidad ng mobilidad sa anumang niluluto ni Arroyo. Kaya ang cha-cha at Con-ass ay dapat tutulan. Ninanakaw nito ang panaginip at dignidad ng walang kalaban-labang mamamayan. (Bulatlat.com)

Share This Post