Cory, Dilaw at Iba Pang Paglisan

Namutiktik ang kanayunan sa mga grupong vigilante na drinadramatisa sa pelikulang Orapronobis (Lino Brocka, 1989), na bahagi pa rin na supilin ang pangunahing daluyan ng militanteng pakikibaka sa bansa. Naging dilawan ang pambansang pamamalakad: dilawan na unyonismo, dilawan na peryodismo, dilawan na politika na ang pangunahing layunin ay pahinain ang kilusang masa at palaganapin ang neoliberalismo ng pambansang ekonomiya.

Ang sinasambit na kasalanan ni Cory sa kanyang panunungkulan ay ang pag-miss out sa kasaysayan, na pwede na sana niyang baguhin, pero hindi niya lubos na ginawa, kinabig muli sa pagpapanatili ng bangkaroteng sistema. Bahagi siya ng paglikha ng continuum ng disenyo ng paghahari ng Arroyo, ang matingkad na kaibahan nga lang, ang batayan ng paghahari ng huli sa lantarang tiraniya.

Sa kaso ni Cory, nag-comeback pa nga ang dispalsipikadong agrarian reform nito sa Hacienda Luisita massacre 2004. Sambit ng mga administrasyong politiko kay Arroyo, “history will be kind on her.” Hindi ito totoo, kahit makapag-comeback pa ito, tulad ng Marcoses, hindi lubos ang pagbabalik. May naiiwan na hindi kasing ningning ang magiging comeback. Ang kasaysayang mapagpasya ay ang kasaysayang nakapagpabuti sa lagay ng nakararaming mamamayan. Na hindi sila ginamit lang para sa pagmimintina ng politika ng naghaharing faksyon, kundi na may sinseridad na iangat sila sa pangkasaysayang kinasasadlakan. Ito o ang dustpan ng kasaysayan. (Bulatlat.com)

Share This Post

One Comment - Write a Comment

  1. Mas naging malinaw sa akin kung ano nga ba talaga ang naging gampanin ng dilawang si Cory sa pagbabalik ng Demokrasya kalakaip din ang mga patagong taktikang dapat dakutin ng dustpan.

Comments are closed.