Ni RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Namumuong rilim at hanging habagat,
Kapag nagkayakap tiyak ikakalat
Ang ulang kinandong na buhat sa dagat
Lulusong sa ilog palikaw-banayad
Magtitipun-tipon sa Dam na malawak.
At kapag apaw na ang reserb’wang tubig
At ang namahala’y tanaw ang panganib;
Kagyat mag-uutos: “Tungkabin ang pinid
Na pintuang moog!” Delubyo’y sasapit.
(Bayan ko’y mag-ingat at kahindik-hindik.)
Dambuhalang ingay ang biglang huhugos,
Ang papalimpingi’y ang tahana’t ilog;
Nitong tubig-bahang hjindi nagpatulog
Na may salamisim na kalunus-lunos.
(Walang nakahumang damakmak ang birtud.)
Nang tamaulian laksang taong-baya’y
Kayraming naglutang malamig na bangkay.
(Inilathala ng Bulatlat)