Ni RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat.com
Doon po sa amin na malayong nayon,
Isang Girilyero ang bubulong-bulong;
Na siya daw noon lumaban sa Hapon
At ang armas niya’y isang kabo-kanyon.
Maraming bakbakan kanyang nilinggatong
At dumagsa pa daw ang mga ataul
Na pinaglagakan ng kalabang pulpol.
Nang minsang kumalap ang pamahalaan
At itatala daw sa Hapo’y lumaban,
Pens’yon kada buwan kay-inam pakinggan.
At ang Girilyero’y humabi na naman—
Labanan daw noon ay tapang sa tapang
At sumisigaw pa kapag nakapatay,
Bawat matodas n’ya kanyang nilalagyan
Ansisiwang tuka na palatandaa’y
Naka-ukit niyang mapulang pangalan.
Subalit sa sulok nitong isang dampa
Ay may nagsasabing balita’y di tama.
Huntang pabulaan at di napalahok
Astang Girilyero’y naglubid-alabok,
Pens’yong tinatanggap may naghihimutok
Ohales ng terno’y nasa dampang bukot
Ng Girilyang Tunay sa baya’y naglingkod.
(Inilathala ng Bulatlat.com)