Putragis Amang,
kami’y namamalimos lamang ng kapirasong lupa,
bakit pinaputok ang kanilang sandata?
Hayup nga ba kaming hayup sa turing?
Bakit kaming gutom bala ang pinakain?
Putragis Amang,
ang Palasyo pala ay hindi dulugan ng awa;
ang Kongreso pala’y Kongreso ng panginoong maylupa.
Saan naming hahanapin ang pangakong paglaya?
Putragis Amang,
huwag nila kaming itulak sa dingding;
mabangis sumalakay ang mga ginutom.
Sa tagisan ng bagang kapag wala nang madurog na kanin
huhulagpos ang galit na kimkim!
Sumpain ang US, si Cory, si Starke at mga katulad nila
Silang nagbibigay laya na busabusin ang paggawa
Silang nagpapahintulot sa mga Panginoong Maylupa
O, Hari ng gatilyo, hukbo ng mga hukbo –
bayani ng mga bukirin!
Idulot mong sa kamay naming
madurog ang mga salarin!
* The poem was read by Axel Pinpin, poet and peasant rights advocate, during the commemoration of the 25th anniversary of the Mendiola Massacre. According to Mendiola Massacre survivor Mirriam Aledia who recalled the poem from her memory, the poem was performed by an old man during an indignation rally at Mendiola a few days after the massacre took place. The name of the author remains unknown.