Ang dahilan, Antonio

(Para kay Ka Tonying Flores, magsasaka)

ni RAYMUND B. VILLANUEVA
Bulatlat.com

Tirik ang araw nang maglakbay ang bulto
Patungo sa kalyeng may haring multo
Nakahilera rito ang mga palasyo
Nasa gitna ang tahanan ni Aquino.

Makasaysayang daan umano
Kadakilaan ang saysay nito
Pagkabayani ang sinisimbulo
Nina Cory’t dalawang Benigno.

Subalit bawal na bawal rito
Ang manawagan ang mga tao
Pagkain, kapayapaan, pagkamakatao
Sumigaw nang dagling makalaboso

Pulis na mahilig mambambo
Ang silang sumalubong sa inyo
Tarangkaha’t pader nila’y sagrado
Sa rehimen ng kawalang pagbabago.

-12:20 n.h.
1 Disyembre 2014
Barangay Central, Lungsod Quezon

Antonio Flores, secretary general of Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) was arrested Nov. 29 during a protect action in front of President Benigno Aquino III's residence at Times st., Quezon City. (Photo by KMP)
Antonio Flores, secretary general of Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) was arrested Nov. 29 during a protect action in front of President Benigno Aquino III’s residence at Times st., Quezon City. (Photo by KMP)

Share This Post