a
Para Kay Rjei
Published on Sep 10, 2020
Last Updated on Sep 10, 2020 at 9:50 pm

ADVERTISEMENT

Tula ni Orlando Manalo para sa anak na si Rona Jane Manalo

Walang kasing sakit ang iyong pag lisan
Paglisan na walang paalam
At wala na din balikan
Kirot at hapdi tumatagos sa buong kalamnan

Mahal naming anak kami ay iyong gabayan
At mga kapatid mo ay iyong alalayan
Upang maibsan ang aming kalungkutan

Ngayon andito ako sa palawan
Upang sunduin ka at iuwe sa ating tahanan
Upang ikaw ay makapiling at masilayan
Na nag mamahal sa iyo na mag pakaylaman

Siguro naman ay batid mo at alam
Kami ng iyong inay ay hindi nagkulang
Lalo na panahon ng ikaw ay nasa paaralan

Pag patak ng luha ko ay hindi ko mapigilan
Dahil sa bigat ng aking kalooban
At sa kirot na aking naramdaman

Tanging hiling ko lamang sa buong sambayanan
Huwag kang usigin sa iyong pinag lalaban
Tanging pang unawa ang aking kahilingan.

Habang nililimbag ko ang maigsing tulaan
Agos ng luha ko sa pisngi ay di mapigilan
Sa labis na habag sa iyong kinasapitan.

 Save as PDF

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This