Sapagkat Hindi

BY JHIO JAN NAVARRO
Bulatlat

Sapagkat hindi
braso’t bisig ng rehas bagkus
galamay ng panunupil ang dumukot
at nagwalay ng sanggol sa ina,

at hindi talim ng pulmonya bagkus
talas ng paniniil ang pumigtas sa hininga
ni River at bumutas sa puso ni Ina,

hindi lamang multo bagkus
ngalit at ngitngit na naging laman
sa mga magulang na pinagkaitan ng anak
at mga anak na pinagkaitan ng magulang –

sapagkat panindiga’y taliwas
sa pambubusabos at pangangamkam –
ang mang-uusig, maniningil:

sigaw sa tahimik, kalampag sa inutil,
pangil sa pangil, baril sa baril

Share This Post

Post Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.