a
Sa Unang Limang Oras ng Pagdinig sa Di-matapus-tapos na Tagisan ng Argumento sa Pagitan ng mga Numero at Alpabeto tungkol sa Kung Maaari Nga Ba na Bigkasing O(OW) ang 0(Zero)
Published on Apr 15, 2006
Last Updated on Feb 5, 2011 at 10:10 am

NI LOLITO R. GO, JR.
Inilathala ng Bulatlat.com

Sa ikaanim na milyon, pitong daan, walumpu’t siyam na libo, isang daan at dalawampu’t apat na pagkakatao’y magtatagisan na naman ang mga bilang at titik

Tumitilamsik ang init ng tanghali, makapanikip-dibdib ang sikip, makapigil hininga ang tensiyon sa paligid, walang bait na dumating ang ilang mga panauhin,

Ika-anim ng Marso taong dalawang libo at anim

Tagpuan: Sa Mababang Kapulungan ng Alphanumeric

Pagkatapos ng lahat ng pormalidad tulad ng pananalanin at pag-awit ng katapatan sa panginoon nga mga bilang at titik, pagbanggit sa palatuntunan at ilang pagbati

sinimulan ang pagdinig

Unang binigyan ng pagkakataong makapagsalaysay ang sa panig ng mga
Numero.
Tumindig ang kanilang abugado:
(matipid ang ngiti, ang ulo ay tinatamad na kumakaliwa’t kumakanang tila surveillance camera sa isang high-tech na bangko)

“Mga kagalang-galang na kasapi nitong magiting na hukuman, sa lahat
Ng naririto,
Isang magandang tanghali sa inyo”
(Magsusuot ng salamin, aalisin ang bara sa lalamunan)
(Bahagyang hihigpitan ang kurbata na wari’y hindi sanay sa ginhawa)

“Sang-ayon sa aking pag-aaral,
OWkey lang na bigkasing OW ang 0(ZerOW)
Sapagkat, makatitipid ka ng .0(OW)0(OW)30 seconds sa
Bawat pagkakataong bibigkasin mong OW ang 0(Zero)
That’s what we call “convenience”
Sa isang libong pagbanggit, you spare 3 seconds
Of your life”
(mangingiti ang lahat ng kanyang kapanalig)

“Your honor”
(titindig ang tumutol na abugado sa panig ng alpabeto subalit pauupuin din siya agad ng hukom)
(lalamunin ng sunud-sunod na pukpok ang mga kasunod pa nitong paghirit)

“objection overruled, you may continue”
(sabay ngiwi ng judge)

“Thank you your honor”
{Nakangiting pagtugon ng pinanigang abugado}
(mabilis siyang tutungo sa kanilang lamesa, may kukuning dokumento)

“Buong pagmamalaking itinatanghal ko sa inyo ang
Exhibit one:
(Ipa-flash ito sa isang big screen habang binabasa ng tagapagtanggol)

“In an entire lifetime of an average human being, as we have thoroughly calculated, it has to at least speak of the word, I mean, number 0(Zero), 210, 000 times.

“your honor”
(makukulitan ang judge)

“overruled”
you are advised to refrain from interrupting,
no objections are entertained during the conduct of a privilege speech!
We shall arrive at interpolations if time permits.”
(Mas kapansin-pansin ngayon ang pait ng tono)

“You may proceed gentleman”
(sumusungit ang mukha ng mga nasa panig ng alpabeto)

“Thank you your honor”
(mahabang buntonghininga)

“Considering the earlier account which states that
3 seconds shall be spared in each one thousand instance
of saying it OW instead of ZERO
It is mathematically suggested therefore that there are
roughly 70,000 seconds of our life
that could have been of more significant use

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This