Gloria Mukhang Pera

[To the tune of ‘Umbrella’ (Remix) by Rihanna (Featuring Jay-Z and Chris Brown)]

NI MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VIII, No. 15, May 18-24, 2008

REMIX..
Uhuh uhuh (Ang reyna.. namumuwalan)
Uhuh uhuh (Bad girl Macapagal)
Uhuh uhuh (Di ma-moderate. .)
Uhuh uhuh (..ang greed)

Glo ng Mandarambong
(Siyam-siyam ang ulan ng mga limatik)
Bayang Taggutom
(Mga sikmurang tastas sa danas ng hirap)
Alam mong
naroon ang panginoon at mga kampon:
nakakalat sa Malakanyang,
sa kasang de-aircon, meeting room
at kung saan-saan

[1]

Presyong tapat
Sa tagatulak ng GATT
Baby, sa dala niyang trak
Mura ang gamot at bigas
Paano ’y pinag-aangkat
Kaya bawas na ang tax
Dito po kasi sa Pinas
Dayo ultimo sibuyas

[KORO]

AYSOWS!
Hawak-kamay pamilyang Arroyo
Pinuputakti pati ang Kongreso
Nagpapalago kasi ng negosyo
Para bawiin nadorobo nang nakaraang eleksyon
Walang talagang inuurungan
Ang pekeng reyna ng Malakanyang
Basta mapagkakakitaan
Susunggaban ‘yan ni Gloria Mukhang Pera
Pera, pera … eh, eh, eh..
Gloria ,mukha kang pera!
Pera, pera.. eh, eh, eh..
Gloria ,mukha kang pera!
Pera, pera.. eh, eh, eh..
Gloria ,mukha kang pera!
Pera, pera … eh, eh, eh, eh, eh, eh…

[2]

Bayan na ’y nagngingitngit
Todo ang batbat na pasakit
Sunud-sunod kasi ang hagupit
Ng mga masisiba sa poder
Pagpalo ng presyo ng langis
Presyo ng bilihin ay pipihit
Kaya ’t ang pagtitiis
Mauuwi rin sa himagsik

{ULITIN ANG KORO}

Inilathala ng (Bulatlat.com)

Share This Post