a
Kung halimbawa ang siyang ihabilin
Published on Jun 27, 2013
Last Updated on Jun 27, 2013 at 6:39 pm

Ni RAYMUND B. VILLANUEVA

Para kay Nelson Mandela

Mangyari kayang manatiling tirik ang araw
Mapigilan ang paglubog nito’t magpatuloy ang liwanag
Umaaliwiw ang mga panalanging sukdulang taimtim
Huwag tapusin itong araw, si Mandela’y atin pang kapiling

Subalit siya’y pagod na’t inaakit na ng pahinga
Ang magiting na mandirigma’y handa nang humimlay
Ama ng kanyang bayan, tagapagluwal ng kalayaan
Wala na ngang mas karapat-dapat sa Madibang giliw

Ang malaruing batang naging abogado
Ang pastol ng tupang naging boksingero
Ang payapang kampanyador na naging rebolusyonaryo–
Aahh, ang mga nagimbal sa kanyang pakikibakang armado

Marami ang nagtatanong sa nalalapit niyang pagyao
Sino ang higit pang huwaran kay Nelsong tapat
Sino ang magiging tanglaw sa siglo ng mga sinungaling
Sino ang pamukaw-sigla sa panahon ng dilim

Tiyak na tugon ng kasama: ang tao, ang bayan
Halimbawa lamang siya, sa laya man o kulungan
Ubos kayang makibaka, tulad nitong namamaalam
Itatag at isulong, bawat nating mapagpalayang kilusan

–5:53 n.h.
27 Hunyo 2013
Lungsod Quezon

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Ads

1 Comment

  1. Aegis Abogados

    Why users still make use of to read news papers when in this technological globe all is presented on web?

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This