a
Published on Nov 3, 2013
Last Updated on Nov 3, 2013 at 12:27 pm

ADVERTISEMENT

Ni FAYE SAGUN
Bulatlat.com

Ipagtutulos kita ng kandila,
aalayan ng sanlaksang tula,
didiligin yaring uhaw na lupa
ng tinipong dalamhati’t luha.

Ngunit tila kami mga kaluluwang
naghahanap ng puntod na nawawala:
walang misa,
walang kandila,
walang krus na pananda,
WALANG HUSTISYA!

Mga kaluluwang ligaw kami
na sa dilim ay humihikbi,
umaasam ng kaunting liwanag
upang maaninag katawang hinahanap.

Ipagtutulos sana kita ng kandila.
Aalayan sana kita ng mga tula.
Aawitan.
Iiyakan.

Ngunit saan?

Tinangay ng nagluluksang hangin
ang iginuhit mong pangalan;
Naiwala sa lawak ng karimlan
pati maayos sanang libingan.

Saan nga ba kita aalalahanin
sa ganitong araw ng pagdadalamhati?

Wala.

Wala, Kasama.

Liban sa mga papel na idinikit
sa mga poste’t pader na nanlilimahid.

(https://www.bulatlat.com)

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

1 Comment

  1. alma moran

    Isang malungkot na katotohanan na nangyayari sa realidad. 🙁

    Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MORE FROM BULATLAT

Pin It on Pinterest

Share This