Ni RICHARD R. GAPPI
Bulatlat.com
“Nais ng Pangulo na makadaupang palad ang mga biktima ng kalamidad,’ wika ng tagapagsalita ng Pangulo na si Edwin Lacierda kung bakit hindi sa EDSA gagawin ang pagggunita sa People Power 1.
Apat na araw pa lamang ang nakakalipas, nagpunta sa Malacanang ang mga survivor ng bagyong Yolanda. Nais nilang makausap at makipagpulong sa Pangulo. Naghintay sila nang tatlong oras. Ni ho ni ha hindi dumungaw o kumaway ang Pangulo.
Wika naman ni Yolanda rehabilitation czar Panfilo Lacson, ang mga nagpunta sa Malacanang ay ahente ng mga kaaway ng pamahalaan. Nais nilang pabagsakin ang Pangulo. Tulad ng pagbagsak, marahil, ng mga barongbarong at nalunod na bangkay na sinaklot ng hangin at dulok.*
Umuwi ang mga survivor nang luhaan. Malalaking alon ng dagat ang kanilang mga talukap.
Ang mga survivor ng ‘Yolanda’ na pumunta sa Malacanang ay pinamumunuan ng madre.
*Dulok – wikang Waray/Bisaya na pinakamalapit na katumbas ng storm surge
ENGLISH TRANSLATION
The nun
“The President wants to be one with the victims of calamities,” said Presidential spokesman Edwin Lacierda on why the commemoration of People Power 1 would not be held in EDSA.
Four days ago, the survivors of typhoon Yolanda went to Malacanang. They wanted to meet with and talk to the President. They waited for three hours. There was not a word from the President, he did not even peek or wave his hand to them.
Meanwhile, Yolanda rehabilitation czar Panfilo Lacson claimed that those who came to Malacanang are agents of the enemy. They aim for the fall of the President. Like how their shanties and the bloated corpses fell, snatched away by wind and surge.
In tears, the survivors walked home. Their eyelids are as huge as the waves of the sea.