Ni Glen Sales
Bulatlat.com
Ang mukha ng karahasan
Na nasa pusod ng isang bayan
Ay una nang nailarawan ni Picasso
Sa hiwa-hiwang hugis
sa loob ng kanbas
Na tumutugis ang hapis
Sa mga hinablot ng hilakbot
Na sadyang walang
Kinikilalang oras at bayan;
Mga dugong natutuyo sa kalsada
Upang magpaalala sa lumalalng
Kasalanan ng lalang sa lumalang .
Tulad kamakailan,
Sa kabila ng pangingibabaw ng usok at pulbura,
Isang binata ang pinaslang sa tadyak, sapak
At sumpak
Habang hindi sinasadyang nadaanan ng mata ng kamera.
Si Glen Sales ay aktibong kasapi sa Angono 3/7 Poetry Society. Ang ilan sa mga tula ay napasama na sa Liwayway, Makata Online Poetry Journal at Ani Journal 38 ng Cultural Center of The Philippines.