#Bulatlat20 | Mensahe ng isang bilanggong pulitikal para sa Bulatlat

Kami ni Fides ay malugod na nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-20 taon ng pagkakatatag sa Bulatlat.

Ikinararangal naming dalawa na naging bahagi sa pagtatayo ng Bulatlat. Inilunsad natin ito sa kasagsagan ng kilusan para patalsikin ang rehimeng Estrada.

Isang malaking achievement ng Bulatlat ang dalawampung taon ng tuluy-tuloy na paglalathala ng mga balita at impormasyon at pagsusuri sa mga maiinit na isyung pambayan.

Ang okasyong ito ay pagkakataon upang pag-aralan kung paano mapalalawak pa ang naaabot ng Bulatlat at ang komunidad na pinaglilingkuran nito.

Malaking hamon ang kinakaharap ng Bulatlat ngayon. Una sa lahat, tumitindi ang atake sa kalayaan sa pamamahayag. Bahagi ito ng tumitinding pasistang panunupil sa bansa na ang kagyat na target ay ang mga progresibo.

May tiwala kami sa mga patnugot at istap ng Bulatlat na mapangingibabawan nila ang mga hamong ito.

Mabuhay ang Bulatlat!

Vicente Ladlad
Bilanggong Pulitikal
Bicutan, Taguig City

Share This Post