Ang patuloy na pagpapayaman at pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga kapitalista ay nangyayari sa patuloy na pagpapahirap at pagpapahina ng mga manggagawa. Ang tanong sa puntong ito: Nagtatagumpay kaya sila? Hindi po.
Pansinin ang sunud-sunod na welga sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Iisa ang mga panawagan, iba-iba lang ang pangalan ng mga opisina’t pagawaan. Iisa rin ang solusyon ng kapitalista’t pamahalaan, iba-iba nga lang ang porma: Karahasan.

Organisasyon

PALIPARANG HONG KONG, Tsina – Sa loob ng ilang oras, darating na ang eroplanong pabalik ng Maynila. Sa wakas, matutuwa na ang mga “pinagkakautangan” ko. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ito usapin ng pera. May mga utang po kasi akong artikulo, pahayag, interbyu, lektyur, seminar-workshop at kung ano-ano pa sa mga susunod na araw,…

Paglalakbay na naantala, salamat sa kapitalista

Kapitalismo rin ang dahilan kung bakit hindi pinapansin ang reklamo ng mga naagrabyadong pasahero. Walang pakialam ang mga negosyante sa naantalang iskedyul o maging sa buhay o kamatayang sitwasyon (kung mayroon man) ng mga pasahero. Para sa kanilang basta-basta na lang itinatakda ang pagbabago sa iskedyul ng biyahe ng mga pasahero nila, sapat na ang tokenistang paghingi ng paumanhin. Tahimik na lang sila sa kanilang pagkamal ng milyon-milyong kita (o baka naman bilyon-bilyon!).

Sa likod ng kamera

Sadyang tinatago sa makukulay na termino ang sitwasyong napakasaklap para maging katanggap-tanggap. Hindi ito kakaiba sa kamerang nagbibigay ng ilusyon ng pag-unlad kahit na kabaligtaran ang realidad. Hindi nasasapol ng kamera ang lahat ng nangyayari, lalo na ang sitwasyon sa likod nito.