(Para kay Jeffrey Laude ng Olongapo)
ni RAYMUND B. VILLANUEVA
Bulatlat.com
Apatnapu’t limang minutong tumagal ang kamatayan
Mula ‘Ambyanz’ hanggang ‘Celzon’—mga binantong pangalan
Tulad ng pagpapakilala sa marikit na si Jennifer
Lalaki, babae, bakla, binabae, transgender
Halikayo’t ating pagpiyestahan
Ang malugay niyang buhok, malulusog na dibdib
Ang mapagmungkahing apelyidong ‘Sueselbeck’
At mapulang labi’t titig na mapang-akit.
Isaysay natin ang pagpasok sa hotel
Ang pag-akyat sa hagdanan at pagpapaalis sa kainalam
Ang swabeng pagtalilis ng pinaghihinalaan
Apatnapu’t limang minuto matapos silang iwanan.
Huwag na huwag nating kalimutan
Ang manipis na kumot sa kanyang katawan
Ang tapyas niyang tenga, pagkasubsob sa inidoro
At marka ng sakal sa kanyang mabining leeg.
Ipagbunyi natin ang maagap na pagpigil
Sa puti at matikas na kaibiga’t panauhin
Ang agarang imbestigasyon at pakikipagtulungan
At di pagtakas ng barko-de-gyerang pinaglulan.
‘Yan! Ganyan ang tunay na pakikipagkaibigan
Nag-iingay tayong wala namang pinapatungkulan
Tanggapin sila’t patuloy na papurihan
Tanda ng tangi’t dalisay na kapatiran.
–12:48 n.h.
14 Oktubre 2014
Central, Lungsod Quezon
WE ARE PROUD, WE ARE GAYS, WE ARE ANTI-VFA
Ni: Reywynx Morgado
Kahit bakla man
kami ay lalaban
di madadaig ng kano
ang mainit naming kamao
isang inusinteng biktima
kanilang pinagsamantalahan
babaeng si nicole wala pang hustisya
ngayon kami ay sisigaw ng hustisya
sa daming kabal-balang na gawa
U.S Forces dapat ng mawala
alis na kayo sa terituryo ni Juan
baka kayo ay mabulok sa bilangguan
we are proud
we are gays
we are ANTI-VFA