a
Damong Makahiya’t ‘Alanghiya
Published on Jan 31, 2009
Last Updated on Jan 31, 2009 at 3:54 pm

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat

Mimosa Pudica ang bansag ng mga Pantas.
Andibaing sa Pangasinan,
Babain o Dilgansusu sa Ilokos
at Damohia sa Tagalog.
Dikut-malamarine sa Pampanga
at Harupai o Kirom-kirom
sa Samar-Leyte Bisaya.
Huya-huya o Tuyag-tuyag
sa Panay, Sipug-sipug
sa Subanon at Turog-turog sa Bikol.

Ilaga ang hinugasang puno ng Damong Makahiya,
Laguking tama at baka biglang mawala ang bisa.

Ito’y mabisang gamot sa mga taong mahiyain,
At kapag sumobra ang inom, ang dapat gawin
ay uminom ng Damong ‘Alanghiya. Pigain
nang pigain ang katas at piliting nguyain.

Dahil kung hindi, matutulad ka sa pinuno
ng bayang nakainom ng sobrang kinatas na puno
ng Damong Makahiya. Wala na pa namang tumutubo
dito sa bayan natin na Damong Alanghiya. Nakupo!

Palagay ko, nasobrahan ang mga pulitikong walang
ginawa araw-gabi kundi ang ngumata nang ngumata
ng Damong Makahiya. Kaya dumami ang mga walanghiya.
Sa palagay po ninyo mga kaibigan ko at kamakata?

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Ads

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This