Rolando Tolentino | Jun 28, 2010
POSTS FOR "Gunita ng Salita"
ADVERTISEMENT
Ang Piniling Messiah
Ang Piniling Messiah
Ni ROLAND TOLENTINO
Si Noynoy ang choice ng elite society, at maging ng masa na ang tanging naibigan ay ang hindi mag-iisa sa pagdanas ng abstrakto (hindi aktwal) na kadiliman. At kung magpakaganito, ang eleksyon ay nagpoposturang parang pagsisimba o kumpisal, na matapos ng paghuhugas ng kasalanan at muling pangungumunyon ay ang reafirmasyon ng pagiging tila bago, at kung gayon, ng muling pagdanas ng parehong kondisyon at pwersa hanggang sa susunod na metapisikal na pagbabanyuhay.
Modang Biktima at Queer na Politika
Modang Biktima at Queer na Politika
Ang papel ng kilusang masa ay ibuyanyang ang nabubulok na bangkay, at tiyaking mabubulok ito sa pagdating ngn kingdom come. Maaring pumaloob sa mismong bangkay para mas mabigwasan ang pahingalo pero may kapasidad ng resureksyong buhay ng estado. Magagamit ang queer na politika sa paglalantad di lamang ng biktimang pinaghuhugutan ng lakas at panunupil ng naghihingalong bangkay, kundi ng biktimang may kapasidad manlaban at bumalikwas, kontraryo sa paradigm ng docile na biktima.
Sampung Kultura ng Sampung Taon ni Gloria Arroyo
Sampung Kultura ng Sampung Taon ni Gloria Arroyo
Magtatapos na ang ika-sampung taon pagkapresidente ni Gloria Arroyo, at matatag ang kanyang kulturang kontribusyon. Kakaiba ang mga ito sa karanasan ng mga kamakailang presidente ng bansa. Ito ang pinakamasahol na kulturang kontribusyon ng anumang presidente sa kagyat na kasaysayan ng bansa. Lantaran naman ang gamit ng fasismo ng anumang rehimen pero ang kay Arroyo ang naghasik ng pinakabangkaroteng kulturang tahasang ginamit para sa politikal at ekonomiyang ganansya.
Pagsagap ng Hininga sa Gitna ng Delubyo
Pagsagap ng Hininga sa Gitna ng Delubyo
Gayong ang aral ng kasaysayan ng kasalukuyan ay ang pagkakaroon ng politikal na paninindigang mabuhay nang marangal, patuloy na paniningil sa sistema na ipaglaban ito, patuloy na pag-oorganisa, pagtaas ng kamulatan at pagkilos.
BE A BULATLAT PATRON
A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.