Tags: Konteksto

“Reklamo”

Huwag sanang isiping ito’y sanaysay ng pagrereklamo. Kailangan lang isakonteksto ang mga bagay na kailangang isakripisyo dahil sa pagkalunod sa mga trabaho’t gawain. Limitado ang oras para pagkasyahin ang mga responsibilidad na dapat gampanan. May dapat gawing prayoridad, may dapat ipagpaliban muna. Anuman ang maging desisyon, walang dapat talikuran dahil lahat sila’y mahalaga.

Libro bilang droga

Sa gitna ng pandemya, inaasahan ang ligtas na pagbabalik ng mga estudyante sa kanilang eskuwelahan. Bukod sa silid-aralan, makakapasok na rin sila sa silid-aklatan. Paano mapapaunlad ang kanilang kaisipan kung ang mga libro doon ay pinapakialaman ng gobyerno? Bakit kailangang ipagbawal ang mga diumanong subersibo?

Organisasyon

PALIPARANG HONG KONG, Tsina – Sa loob ng ilang oras, darating na ang eroplanong pabalik ng Maynila. Sa wakas, matutuwa na ang mga “pinagkakautangan” ko. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ito usapin ng pera. May mga utang po kasi akong artikulo, pahayag, interbyu, lektyur, seminar-workshop at kung ano-ano pa sa mga susunod na araw,…

Sa likod ng kamera

Sadyang tinatago sa makukulay na termino ang sitwasyong napakasaklap para maging katanggap-tanggap. Hindi ito kakaiba sa kamerang nagbibigay ng ilusyon ng pag-unlad kahit na kabaligtaran ang realidad. Hindi nasasapol ng kamera ang lahat ng nangyayari, lalo na ang sitwasyon sa likod nito.

Bukas na liham sa tinaguriang ‘bobotante’

Walang bobo, walang matalino. Pero may walang pakialam at may patuloy na lumalaban. Posibleng mataas ang iyong pinag-aralan pero komportable kang patuloy na inaapi ang maraming mamamayan. Puwede namang hindi ka nakatuntong sa anumang pamantasan pero nasa utak at puso mo ang pinagdaraanan ng mga pinagkaitan. Hindi na mahalagang tanungin kung sino ang ibinoto mo…

Politika ng pagmamaneho

Mahigit isang dekada ko nang minamaneho ang sasakyang mahigit dalawang dekada na ang edad. Kinaiinisan tuwing nasisiraan noon pero maaasahan kahit luma na ngayon. Iba pa rin ang pagkakagawa ng mga sasakyan kasi noon dahil sadyang matibay pa rin ngayon. Tulad ng malalim na pagsusuri sa pambansang kalagayan, kailangan lang ng ibayong pagbabantay para masiguradong…