(Kay Jane Beltran Balleta + Morong 42)
ni ROBERTO OFANDA UMIL
Ang mabubuting anak ng bayan
Ay mayroon ding mga kapintasan.
May pagkakataon na sila ay suwail na kaanak.
Pero hindi lamang brilyo ng hiyas
Ang layon ng tahas na pagsuway.
May pagkakataon na sila ay sutil na estudyante.
Pero hindi lamang kitid ng bakuran ng kampus
Ang layon ng bibo na urirat.
May pagkakataon [...]
Ni RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat.com
Doon po sa amin na malayong nayon,
Isang Girilyero ang bubulong-bulong;
Na siya daw noon lumaban sa Hapon
At ang armas niya’y isang kabo-kanyon.
Maraming bakbakan kanyang nilinggatong
At dumagsa pa daw ang mga ataul
Na pinaglagakan ng kalabang pulpol.
Nang minsang kumalap ang pamahalaan
At itatala daw sa Hapo’y lumaban,
Pens’yon kada buwan kay-inam pakinggan.
At ang Girilyero’y humabi na [...]
Ni RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Isang Proletaryo ang nakaupo’t nag-iisip,
Ibinuka ang mga palad at kagyat ding kinimis;
Maigting ang tikom at kaniyang inilapit
Sa mukha, sa dibdib at itinaas sa langit—
Nang muling ibuka’y bumalong ang putik
Kasama ay mamamayang animo’y nagahis
Nang hindi mabilang na kalumbaya’t hapis.
Binuksan ang pintungan ng kaniyang puso
At doo’y pinalagok ng tinggang dugong kumukulo.
Banayad na sumigla [...]
Ni RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Kung naging tingga at apoy ang ibinuga
Ng aking nilabit na pluma at tinta
Sa himagsikan kong nais ay pag-asang
Mahango ang bayang nasadlak sa dusa’y
Di na nagtagal pa ang digmang pakikibaka
Sa mga kumupot sa paglayang sinisinta.
Kung tumulad ako kay Andres Bonifaciong
Laging hasa’y tabak sa init ng ulo,
Disi’y naging iglap naming naipanalo
Ang labanang mundiyal [...]
Ni ARNOLD PADILLA
Bulatlat.com
tulad mo rin, noynoy, ang dambuhalang pabrika sa inyong azucarera
na walang imik nang dumating ang sandaang sasakyan ng protesta
patuloy lamang sa pagbuga ng usok ng mga makinang lumalamon sa tubô at tubo,
at tulad ng mga armadong gwardya sa kanyang pintuan
hindi ikaw, kundi si bise palengke ang sumalubong sa mga hamon at [...]
By SARAH RAYMUNDO
Bulatlat.com
(after a tv interview featuring the widow of Hacienda Luisita martyr Ric Ramos)
“they should have not let his brain spattered
on the floor like that;
or his eyes dismembered from his face
it’s the kids, it’s too painful for them
to have seen him so horribly lifeless
or worse, remember him that way!”
this widow’s work of [...]
Ni DANIEL B. VEGAS
Kilala ko
ang talampakan
na nagkakalyo
na nakikipagniig
sa akin
Ang mga paang
pinagpala
sa tuwinang
tumatawid
sa kaparangan
ay naghahatid
ng biyaya
sa tulad kong
ibinaon sa limot
Kilala ko
ang bisig
na nakikipagbuno
sa karit
na masuyong
nagdadampi
sa alay
kong buhay
Alam ko
ang lasa
ng maalat
na luha
ng mga humahagulgol
sa tuwinang
may mga buwitre
na nagtatangkang
putulin
ang ating
pagkakaugnay
Higit kong
kinikilala
ang mga taong
umaakyat
ng burol
upang matanto
ang kagandahan
ng kapatagan
Makauri
ang pagkilala ko
sa kung sino
ang dapat
na nagmamay-ari
sa akin
By EDDIE SARMIENTO
amidst the labyrinth
of walls and barbed wires
deep in the belly of camp crame
lies the graveyard of the living
where men of truth are incarcerated
and degraded by the cruelties of prison.
spirit is put to test.
resolve is molded like steel
by prisoners who refuse to yield
to the guileful will of the foe.
rocks are hardened by wind and [...]
Ni RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Namumuong rilim at hanging habagat,
Kapag nagkayakap tiyak ikakalat
Ang ulang kinandong na buhat sa dagat
Lulusong sa ilog palikaw-banayad
Magtitipun-tipon sa Dam na malawak.
At kapag apaw na ang reserb’wang tubig
At ang namahala’y tanaw ang panganib;
Kagyat mag-uutos: “Tungkabin ang pinid
Na pintuang moog!” Delubyo’y sasapit.
(Bayan ko’y mag-ingat at kahindik-hindik.)
Dambuhalang ingay ang biglang huhugos,
Ang papalimpingi’y ang tahana’t [...]
Ni RICHARD R. GAPPI
Inilathala ng Bulatlat
Humagulgol at lumuha ng ulan ang langit
kasingdami ng uhaw ng disyertong lambong ng init.
Rumaragasa ang tubig, baha at putik
kung gaano kabilis ang pag-apruba ng Kongreso
sa pagbasura sa impeachment complaint laban sa Ombudsman.
(Wala pa sa kalahati ang pila
nang maubos ang relief goods sa evacuation center.)
Kasingdulas ng padulas ang pagpasa
sa dalawang bilyong [...]
By NERVE MACASPAC
Bulatlat.com
The total number of fatalities from tropical storm “Ondoy” (international name: Ketsana) that submerged some areas in Central Luzon and Calabarzon in mud and water may already be close to 200. The National Disaster Coordinating Council (NDCC) has placed the death toll at 100 and the number of people affected at [...]
Subscribe (RSS or Email) | About Us | Donate | Contact Us | Archive